UP College of Medicine Class of 2022

Posted on August 05, 2022


"Sa gitna ng lahat ng duda at dilim, tayo ay hahanap at hahanap ng liwanag."

Sa wakas, narito na ang ating pinakahihintay!

Kayo ay malugod na iniimbitahan sa LIWAYWAY: the UP College of Medicine 113th Commencement Exercise and UP-Philippine General Hospital Closing Ceremonies. Ito ay gaganapin sa ika-7 ng Agosto, taong kasalukuyan sa ganap na ikalawa ng hapon.

Dahil sa kasalukuyang kalagayan at patakaran ng teatro, piling indibidwal lamang ang maiimbitahan. Maaaring mapanood ang buong programa sa pamamagitan ng livestream. Mangyaring maghintay lamang sa araw ng pagtatapos para sa link.

Tara na't samahan kami sa pagsalubong sa liwayway!

#2022BreakingThrough
#Liwayway2022