UPCM Hymn

Awit ng Colegio ng Medisina


O itanghal mutyang U.P. Medisina
Ika’y bukal ng agham at karunungan
Ang hatid mo’y pag-asa at kaunlaran
Sa ating bayang nagdurusa’t nagdaramdam.

O itanghal kolehiyong minamahal
Sagisag ka ng buhay at kalusugan
Ang mithi mo’y paglingkuran ang lipunan
Malaya ka makatao’t makabayan

Lyrics by: Romualdo A. Aragon, Jr., MD (UPCM Class 1982)
Music by: Nestor S. Bautista, MD (UPCM Class 1955)