World Hearing Day celebration

Posted on March 03, 2022


Ang Philippine National Ear Institute kasama ng UP PGH Department of Otolaryngology-Head and Neck Surgery at Newborn Hearing Screening Reference Center ay nakikiisa sa World Health Organization sa pagdiwang ng World Hearing Day ngayong March 3, 2022, na may temang “To hear for life, listen with care.” Sinusulong po natin ang SAFE LISTENING o ligtas na pagkinig.

Nais naming ibahagi sa UP Manila community ang mga sumusunod na educational materials na maaring ma-access FB: Philippine National Ear Institute

1. Infographic Video handog ng mga estudyante ng UP College of Medicine

World Hearing Day 2022 | Tips for listening with care

2. Coloring book
- Para maaccess ang digital copy: I-scan ang QR code o pindutin ang link: http://tiny.cc/ys5puz
- Maari ding makakuha ng printed copy, available sa Ear Unit (PGH 2nd Floor) (limitadong supply lamang)